INCOMING ECO MANAGERS HINIMOK RESOLBAHIN ANG WFH SETUP SA BPO SECTOR

NANAWAGAN si Senadora Risa Hontiveros sa incoming na economic managers na agad solusyunan ang isyu hinggil sa work-from-home (WFH) setup sa information technology-business process management (IT-BPM) sector.

Sinabi ni Hontiveros na dapat makakita ng common ground ang incoming economic team para sa problema ng IT-BPM sector at alisin ang pangamba ng mga investor at international clients.

Ipinaalala ng senador na ang IT-BPM sector ang consistent generator ng mga trabaho sa nakalipas na dalawa’t kalahating taon ng pandemya.

Iginiit ng mambabatas na kung pangangalagaan ang mga manggagawa, patuloy na bubuhos ang pamumuhunan sa naturang sektor.

Sa ngayon, wala pang pinal na desisyon kung papayagan ang business process outsourcing sector at mga registered business enterprises na pangmatagalan nilang maipagpatuloy ang kanilang WFH setup.

Matatandaan na ang “return to on-site work” announcement noong Marso ay nagdulot ng kaguluhan sa BPO workers.

Hindi ito gusto ng mga manggagawa dahil napapagastos sila nang mas malaki kapag kinakailangan silang mag-report on-site. (DANG SAMSON-GARCIA)

138

Related posts

Leave a Comment