INIREKOMENDA ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isama ang mga bansang Indonesia at Malaysia sa travel restriction ng Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque makaraang sabihin kamakailan ni Health Secretary Francisco Duque III na posibleng ikonsidera ng gobyerno ang naturang hakbang.
Subalit, ngayon aniya ay rekomendado na ito sa harap ng paninigurong hindi makalulusot sa bansa ang Delta variant.
Aniya, naghihintay na lang ang Task Force sa magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa bagay na ito.
Sa kasalukuyan ay nakataas ang travel ban sa travellers na manggagaling ng India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates hanggang sa Hulyo 15.
135
