BINATI ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang 113 loyalty awardees at 58 customs officers na nakakumpleto ng kanilang post-graduate degrees noong 2023, sa ginanap na 4th flag-raising ceremony ng Bureau of Customs (BOC) para sa taong 2024.
Sa kanyang mensahe, inihayag ni Rubio ang kanyang pagbati at paghanga sa dedicated officers ng BOC.
Sinabi ni Rubio na, “I have been thinking about the best way to extend my appreciation, but no words will suffice to express my profound gratitude for your hard work and dedication. One way or another you have touched the lives of those around you, and I hope you will be able to empower more individuals as you carry on.”
Ang nasabing awarding ceremony ay bahagi ng Bureau’s 5-Point Priority Program para iangat ang kapakanan at pag-unlad ng mga empleyado ng BOC, isang mahalagang inisyatiba para ma-empower ang mga manggagawa ng ahensya.
Noong nakalipas na taon (2023), ang BOC ay naging maganda ang collection performance sa tulong ng 17 collection districts sa buong bansa.
Dahil umano sa magandang collection performance ng BOC noong nakaraang taon ay nakatanggap ito ng mga papuri at pagkilala mula kay dating DOF Sec. Benjamin Diokno at iba pang award giving bodies.
Kaugnay nito, umaasa si Commission Rubio na ngayong taon (2024) ay lalo pang gaganda ang kanilang collection performance at malagpasan ang kanilang targets.
(BOY ANACTA)
913