87 BAGONG CUSTOMS POLICE NANUMPA

CUSTOM POLICE-1

NANUMPA ang nagtapos na 87 Customs Police mula sa Customs Training Institute na kabilang sa AGILA Class 2019, kay Customs­ Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa Bureau of Customs, Port Area, Manila noong Oktubre 28.

Ang mga nagtapos na mga bagong Customs Police ay nakakumpleto ng 6 buwan basic course na isinagawa ng BOC-Interim Training and Development Division (ITDD) at Enforcement and Security Service (ESS) na nakadisenyo para sa security officers para lalo pang mapalalim ang kaalaman kaugnay sa duties and responsibilities.

Sakop nito ang gene­ral discussion sa mas kinakailangang kaalaman at ‘competencies and skills’ ng special agents base sa provisions ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), iba pang batas, at rules and regulations.

Bukod sa mga seminar, ang Customs Police ay sumailalim din sa actual training sa pistol at rifle marksmanship, close-quarter battle at agent survival training.

Ang AGILA Class 2019 ay may limang top­notchers na sina Lady Claire O. Adorico, Archer P. Peniza, Abdurahman L. Ampaso, Jielene Kely E. Espera at Amil Rafsanjanni A. Basman.

Ang AGILA ay “Alagad ng Gobyerno na Iaalay Ang Lahat Para Sa Aduana”.

Binati naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ang newly-graduated Customs Police. Sa kanyang talumpati, binigyan-diin niya ang bahagi ng BOC’s 10-Point Priority Program para sa pagpapataas ng ‘manpower efficiency’ sa pamamagitan ng pagpili ng tamang tao.

Layunin din nito na maisulong ang reform agenda ng bureau at mahigpit na pagpapatupad ng rules, implementasyon ng polisiya at pagpapanatili ng pinakamataas na paman­tayan ng “discipline, excellence and integrity.”

Kasabay nito, ipinaalala ni Guerrero sa mga nagtapos ang kanilang malaking tungkulin bilang frontline personnel ng BOC para tiyakin at mapangalagaan ang integridad ng kawanihan para protektahan ang hangganan laban sa smuggled goods at iba pang kontrabando. (Joel O. Amongo)

416

Related posts

Leave a Comment