BABALA NI GUERRERO VS CUSTOMS BROKERS NA SANGKOT SA GAWAING ILEGAL: AKREDITASYON IRE-REVOKE

Commissioner Rey Guerrero

(Ni Joel O. Amongo)

Nagbabala si Customs Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero na kanyang aalisan ng Customs accreditation ang sinumang Customs broker na mapatutunayang sangkot sa maling gawain o smuggling sa nasabing bureau.

Sa statement  ni Guerrero noong nakaraang Miyerkoles (Hulyo 24, 2019), sinabi niya na malaking hamon sa kanya ang pagsugpo ng korapsyon sa Customs lalo na ang mga Customs brokers na lumalabag sa batas, rules and regulations.

Ayon kay Guerrero sa kanilang miting ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Palasyo ng Malacañang ay inihayag nito na dismayado siya sa mga Customs broker na nasasangkot sa ilegal na aktibidad.

Dahil dito, kinakailangan umanong  i-revoke ang kanilang mga akreditasyon at lisensya sa Customs at sasampahan ng mga kaukulang kaso.

Nauna rito, nakatanggap ng mga ulat si Commissioner Guerrero na may maling gawain ang mga Customs broker sa pamamagitan ng pagpataw sa mga importer ng tinatawag na “Customs facilitation fees” na umano’y ilegal at hindi awtorisado.

Dahil sa ilegal na aktibidad, ang Customs brokers, importers ay nag-ingay matapos ipasa ang Customs Memorandum Order (CMO) para  gumawa ng  tama batay sa Republic Act (RA) No. 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

“The Bureau has initia­ted reforms in our systems to improve efficiency, promote transparency and remove opportunities to commit graft,” ayon kay Guerrero.

Kasabay nito, inihayag pa ng BOC chief na ang kanyang paglaban sa korapsyon sa mga opisyales ng BOC ay patuloy at kung sinumang mapatutunayang sangkot ay papatawan ng kaukulang parusa.

124

Related posts

Leave a Comment