Sa layuning magiging epektibo ang serbisyo- publiko, sinimulan nang ipatupad ng Bureau of Customs (BOC) ang baggage declaration procedures para sa mga travelers/passengers sa international airports sa bansa.
Ang mga pasahero at biyahero na may mga goods na kailangang ideklara ay kinakailangang mag-fill up at magsumite ng Customs Baggage Declaration Form (CBDF) na makikita sa Customs arrival area.
Ang nasabing forms ay nakahanda para sa panahon ng flights ng mga airline operators para sa kanilang mga pasahero.
Ang BOC, sa pakikipagtulungan ng airline operators, ay regular na ipaaalam sa publiko ang lahat ng mga pagbabago at paglalabas ng baggage declaration.
Inaasahan na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng CBDF ay magiging maayos ang takbo ng kalakaran sa mga paliparan sa bansa. (Jomar Operario)
121