BOC ALERTO PA RIN VS ASF

BOC-ASF-2

(Ni Boy Anacta)

Nananatili pa ring alerto ang Bureau of Customs (BOC) laban sa posibleng pagpasok sa bansa ng mga karne at produktong kontaminado ng African Swine Fever (ASF).

Sa kabila ng paghihigpit ng BOC, may mga tao o negosyante pa ring matitigas ang mga ulo na nagtatangkang magpasok ng mga karne at iba pang produkto na posibleng kontaminado ng nasabing sakit partikular ang mga bansang kumpirmadong apektado nito tulad ng bansang China.

Dahil dito, nananatiling banned ang meat products mula sa mga bansang apektado ng ASF at patuloy ang mahigpit na monitoring ng Customs sa lahat ng ports sa buong bansa upang matiyak na hindi makakalusot o makakapasok ang kontaminadong produkto.

Ang ASF ay sakit na nagmula sa mga karneng baboy na maaaring makaapekto sa industriya ng pagbababoy sa bansa.

Kaugnay nito, inirekomenda ng BOC na higpitan ang importers sa pagkuha ng clearances at permits na nagmumula sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno tulad ng Department of Agriculture, Bureau of Animal Industry at Food and Drugs Administration para masiguro na hindi basta-basta makakapagpapasok ng mga karneng pinaghihinalaang kontaminado ng ASF.

Tiniyak naman ng BOC sa publiko na patuloy silang makikipagtulungan sa regulatory agencies ng gobyerno na nagpapatupad ng polisiyang may kinalaman sa importation ban ng meat products ng Department of Agriculture.

Matatandaan na kamakailan nakasabat  ang BOC ng pork products na naka-consign sa Rudarr Trading Corporation sa Port of Subic.

Ang nasabing shipment ay isinailalim sa surveillance and monitoring ng Office of the District Collector at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Port of Subic bilang bahagi ng pagtupad sa  Food and Drugs Administration’s order at Department of Agriculture’s memorandum kaugnay sa “temporary ban” ng importation ng domestic and wild pigs at iba pang produkto nito.

Ang nasabing produkto kasama ang “Pork Meat and Semen” ay nagmula sa China na pinaniniwalaang kontaminado ng African Swine Fever (ASF).

Nagkakahalaga ng P600,000.00 ang pork meat products at pork balls.

Bukod dito, natuklasan din ang fish tofu at boxes ng pork and pork derived products kung kaya’t inisyuhan ng  Warrant of Seizure and Detention ang nasabing shipment dahil sa paglabag sa Section 1113 (f) of Republic Act No. 10863, o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act  na may kaugnayan sa Department of Agriculture-Office of the Secretary Memorandum Nos. 23 and 26, na pagbabawal sa pagpasok ng karneng baboy at kaparehong produkto nito mula sa mga bansang apektado ng ASF.

109

Related posts

Leave a Comment