LAYON na maging malinaw sa lahat ang mga panuntunan at regulasyon ng kanilang tanggapan, nagsagawa ng dayalogo sa stakeholders, importer at customs broker ang Bureau of Customs noong nakaraang buwan sa Cagayan de Oro, Cebu at Maynila.
Maliban sa panuntunan at proseso, tinalakay din sa pag-uusap ang National Value Verification System (NVVS) , Customs Accreditation at Accounts Management Office (AMO) kasabay ng pagbanggit sa BOC modernization projects tulad ng Parcel and Balikbayan Box Tracking System.
Sa Port of Cagayan de Oro, dumalo ang animnapung (60) importers at customs brokers na nakikipag-transaksyon sa Ports of Surigao, Zamboanga, Davao at Cagayan de Oro.
Apatnapung (40) importers at customs brokers naman mula sa Port of Cebu, Port of Tacloban at Port of Iloilo ang dumalo sa dayalogo sa Cebu.
Habang iba’t ibang stakeholders mula sa iba’t ibang bahagi ng Maynila at mga kalapit na lalawigan ang dumalo sa dayalogo sa Maynila at nakiisa rin ang iba’t ibang kompanya at organisasyon. (JO CALIM)
144