HINDI pa man natatapos ang taon, nakalikom na ang Bureau of Customs – Port of Limay ng P47.4 bilyon para sa 2019 calibrated annual revenue collection.
Sa ulat ng BOC-Port of Limay noong Oktubre 30, lumampas ng P341.93 milyon ang kanilang target collection na dapat ay P47.06 bilyon.
Ayon pa sa BOC-Port of Limay, dalawang buwan na mas maaga ang lagpas nila sa kanilang 2019 revenue collection target.
Matatandaan ang Port of Limay ay nagsagawa ng Fuel Marking sa UniOil Terminal Depot sa Mariveles, Bataan noong Oktubre 22, kung saan aabot ng 53 milyong litro ng gasoil ang binayarang duties and taxes na may kabuuang P405,367,424.
Pinamumunuan ni District Collector Michael Angelo DC Vargas ang Port of Limay. (Boy Anacta)
146