Inaasahang lalo pang tataas ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) makaraang maitatag ang Post Clearance Audit Group (PCAG).
Sa isinagawang institutional transformation effort ng BOC alinsunod na rin sa Customs Administrative Order (CAO) No. 01-2019, ang Post Clearance Audit (PCA) functions ng Customs ay opisyal nang itinatag sa ilalim ng PCAG.
Nasa ilalim ng pamumuno ni Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla ang PCAG.
Sinabi ni Maronilla, layunin ng PCA na pataasin ang ‘trade facilitation, encouraging voluntary disclosures and protecting government revenue through compliance audits of imported goods.’
Bukod dito, sinisikap ding pagsamahin ang non-traditional sources ng revenue para makalikom ng karagdagang revenue.
Target din umano ng PCAG na makakolekta ng karagdagang P2.5 bilyon o higit pa sa natitira pang mga buwan para maabot ang P4 billion projected benchmark.
Kasabay nito, iniulat pa ni Maronilla na sa loob ng nakaraang anim na buwan mula sa reconstitution ng PCAG ay nakapagtala sila ng karagdagang P1,448,989,881.05 revenue collection.
Ito umano ang pinakamataas na collection na naipost ng dating Post Entry Audit Group.
“While the BOC has continually increased its collection efficiency and has seen increasing revenue collection growth since the start of the Duterte administration, much revenue is still needed,” dagdag ni Maronilla. (Boy Anacta)
164