MATAGUMPAY na nalampasan ng Bureau of Customs (BOC) Port of San Fernando ang target na koleksyon nito para sa buwan ng Oktubre ngayong taon.
Ito ay matapos makapagtala ng positibong 3.16 porsiyento na labis sa dapat na koleksyon na P276,361,480 ng Oktubre.
Sa tala ng BOC-San Fernando, lumabas ang aktuwal na koleksyon nito na P285,103,337 kung saan may labis na P8,741,857 sa kita.
Patuloy ang pagsisikap ng BOC na mapaganda pa lalo ang revenue collection sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Post Clearance Audit Group (PCAG) na bahagi ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Sa patuloy na pagpapatupad ng mga reporma at programa upang mapaganda ang serbisyong pangkabuuan ng BOC, inaasahang hindi lang ang Port of San Fernando ang makakaabot ng target na koleksyon subalit maging ang iba’t ibang ports sa bansa. (Boy Anacta)
135