CEBU IMPORTER KINASUHAN NG BOC

luxury vehicles

Sa misdeclaration ng luxury vehicles

(Ni Joel O. Amongo)

Kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang importer sa Cebu matapos matuklasang mali ang  deklarasyon nito sa kanyang inimportang mga sasakyan kamakailan.

Nakilala ang kinasuhan ng BOC na si  Melanie Yason Serrano, sole proprietress ng Kyleman General Merchandise at consignee ng mga kargamento, samantala ang kanyang licensed Customs broker ay  nakilalang si Erwin Roy Vito Rojas.

Ayon sa report,  ang misdeclared shipment ay dumating sa Port of Cebu noong nakaraang Disyembre 19, 2018 ay nakitaan ng apat na mamahaling sasakyan.

Kinabibilangan ang mga ito  ng 1 unit ng Range Ro¬ver, 1 unit ng Mercedes Benz, 1 unit ng Porsche 911 at 1 unit ng Alfa Romeo.

Ang consignee ay hindi nagbayad ng P5 milyong duties and taxes sa Customs sa halip ay nagbayad lamang ito ng P119,000  na nangangahulugan lamang na mali ang pagkakadeklara ng kargamento nito.

Ang misdeclared importation ay malinaw na paglabag sa Section 1401 na may kaugnayan sa Sections 1400, 405 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) maging sa Article 172 na may  kaugnayan sa Article 171 ng Revised Penal Code (RPC).

Ang pagkadiskubre ng misdeclared vehicles  ay bahagi pa rin ng patuloy na pagbabantay ng mga tauhan ng BOC sa bawat hangganan ng bansa.

107

Related posts

Leave a Comment