KARGAMENTO SA PORT OF NAIA LUSOT NA SA BUWIS DAHIL SA DOOR-TO-DOOR

IMBESTIGAHAN NATIN

Hindi na pumapasok sa kaban ng bayan ang buwis na dapat sana ay nagagamit ng pamahalaan para sa mga programa at proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa malawakang pagpapalusot ng mga kargamento sa Bureau of Customs (BOC).

Direkta na itong pumapasok sa bulsa ng mga tiwa­ling kawani ng BOC sa pamamagitan umano ng malawakang sabwatan.

Batay sa ipinaabot na impormasyon sa SAKSI Ngayon Reportorial Team, ginagamit ng mga ‘Tara Boys’ ang door-to-door na estilo upang makopo ang buwis na dapat sana ay direktang ipinapasok sa kaban ng pamahalaan.

Napag-alaman na ang organisadong sabwatan ay kinasasangkutan umano ng ilang mga tauhan ng District Collector.

Sa ulat, pinalulusot umano ng grupo ang mga paninda o kargamento tulad ng mga damit, sapatos, mobile phones, relo, bag at marami pang iba kada linggo.

Bultuhan umano kung ipasok ito sa bansa, apat na beses sa loob ng isang linggo.

Mula lima (5) hanggang 11 tonelada ang pagpaparating nito sa bansa at malayang nakapapasok dahil sa pagpapalusot umano ng mga kargamento kasabwat ang examiner na si Mark Maze at Nelly Oca sa Informal.

Nanawagan ang lehitimong mga consignee at broker kay Pangulong Duterte na aksyunan ang lantarang pagpapalusot ng kargamento kapalit ng tara.

Hindi umano natitinag ang nagpapakilalang matikas na tagalakad ng papel na si alyas Dingdong at Randie Davad sa pagpapatawag ni Pangulong Digong sa mga BOC officials sa Palasyo.

‘Tiyak na makakamura ka sa babayarang buwis ng kargamento basta magbabayad ka lang sa lahat ng dadaanan ng papel,’ pagtitiyak umano ni alyas Dodong sa broker na nakiusap ‘wag banggitin ang kanyang pangalan sa takot na ipitin ang kaniyang kargamento.

152

Related posts

Leave a Comment