Kaugnay nito, aabot naman sa 278.8-kilo ng karneng kontaminado ng ASF ang inilibing na ng Cus-toms-Kalibo noong nakaraang Agosto 5 hanggang 19 ng taong kasalukuyan.
Pinangunahan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang paglilibing ng naturang kontaminadong karne na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa BOC-KIA, Veterinary Quarantine Service-VI-BAI-DA (VQS-VI, BAI-DA), LGU-Kalibo, Office of the Provincial Veterinarian, Philippine National Police at media sa isina-gawang tamang paglilibing ng mga karneng kontaminado ng ASF.
Nagmula umano sa China at Korea ang naturang mga kontaminadong karne na nasabat ng Customs officers at Veterinary Quarantine Officers sa Kalibo International Airport.
Sinunog at inilibing ang mga ito sa tamang lagayan sa municipal landfill sa Old Buswang, Kalibo, Aklan.
Nauna nang naghigpit ang iba’t ibang pwerto sa buong bansa laban sa pagpasok ng mga produktong karneng baboy na kontaminado ng ASF.
258