Kasong kriminal ang isinampa sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Customs Action Team Against Smuggler sa ilalim ng Legal Service laban sa mga opisyales ng kompanya, Customs broker at dalawang empleyado ng Customs matapos madiskubre ang pagsasabwatan ng mga ito para mailabas ang shipments sa Port of Manila kamakailan.
Kabilang sa mga kinasuhan ay ang mga opisyales ng Orophil Shipping International Co, Inc.; MMD Logistics, Inc.; Lorenz V. Mangaliman, Customs broker at dalawang empleyado ng Customs na sina Mimosa Maghanoy at Gliceria Umandap.
Ang nabanggit na mga personalidad ay kinasuhan ng paglabag sa Customs Laws partikular ang Section 1401 at Section 1403 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) dahil umano sa ginawang pag-sabwatan sa pag-release ng shipments ng “ship spares in transit” sa Port of Manila-Informal Entry Divi-sion noong 2018.
Bukod dito, ay sinampahan din ng karagdagang kaso sina Maghanoy at Umandap sa paglabag sa Sec-tion 1431 (d) (e) and (f) ng CMTA.
Ang pagsampa ng kaso ay isang babala na rin sa sinumang empleyado ng Customs na nakikipagsabwatan sa mga gumagawa ng ilegal sa Aduana. (Jomar Operario)
151