KORAPSYON SA BOC MASUSUGPO NA

boc

(Ni Jo Calim)

Inaasahang masusugpo  o kung hindi man mababawasan na ang korapsyon sa Bureau of Customs (BOC), dahil kasalukuyan nang  gumagana at umiiral  ang bagong ‘computer system modernization project’ ng ahensya sa buong ports ng bansa.

Ang nasabing bagong system ay bahagi ng Republic Act No. 10863 o mas kilala sa tawag na “Customs Modernization and Tariff Act” (CMTA).

Layunin nito  hindi lamang para masugpo  ang katiwalian  at mapairal ang transparency  kundi  upang lalo pang mapaganda at mapabilis ang serbisyo ng BOC sa lahat ng kanilang stakeholders, negosyante maging dayuhan man o lokal.

Sa  pamamagitan ng nasabing system ay mababawasan  na ang pakikialam ng tao dahil ang mga transaksyon sa BOC ay daraan na sa computer.

Kaugnay nito, tiniyak din ng pamunuan ng BOC na mas simple at mabilis ang trabaho ng kanilang empleyado ngayon dahil sa nasabing bagong system para sa pagbibigay ng serbisyo sa mga stakeholders at publiko.

Dahil dito, inaasahan na magiging maganda ang revenue ng Customs at tataas ang oportunidad sa negosyo para sa trade industry ng bansa.

Nitong pagpasok ng taong 2019 sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero ay marami nang naipatupad na pagbabago ang ahensya  partikular ang mga estratehiya na may kinalaman sa pagpapalakas ng revenue collection.

140

Related posts

Leave a Comment