(Ni JOEL O. AMONGO)
Naging positibo at maganda ang performance ng Bureau of Customs (BOC) para sa first semester ng 2019.
Bunga ito sa masusing pagtalima ng ahensya sa kanilang ‘10-Point Priority Program’ na kanilang gabay para sa positibong pagbabago.
Ang pinakamalaking tagumpay ng BOC ay ang larangang may kinalaman sa automation ng Customs system and processes; creation of integrity quality management unit; streamlining of systems & processes; strengthening of the intelligence and enforcement operations; enhancement of international relations and compliance; and delivery of efficient, transparent and compliant administration and management of resources.
Tiniyak ng BOC na ang kanilang magagandang programa ay magpapatuloy para makasabay sa mga mauunlad na bansa sa buong mundo partikular pagdating sa usapin ng Aduana.
Samantala, sa loob lamang ng anim na buwan mula Enero hanggang Hunyo 2019 sa ilalim ng pamumuno ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ay nakakumpiska ito ng P2,966,500,000.00 halaga ng shabu bukod pa sa kabuuang P145,482,800.00 ng marijuana, cocaine, at party drugs.
Ang mga ito ay resulta ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kanilang foreign counterparts upang suportahan ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa ilegal na droga.
Bukod dito, ay mahigpit din ang pagpapatupad ng BOC sa kanilang nasasakupang mga pwerto sa buong bansa laban sa pagpasok ng mga produktong karne na kontaminado ng African Swine Fever (ASF) dahil sa patuloy nitong pamiminsala sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.
456