UMABOT sa P103.1 milyong halaga ng umano’y shabu ang matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark kamakailan.
Minarkahan bilang kahina-hinala ng port’s X-ray Inspection Project, ang tatlong parcels na deklarado bilang “brochures” na nagmula sa Texas, Pennsylvania, at Illinois, USA na dumating noong Disyembre 18, 2023, at isinailalim sa K9 sniffing kasunod ang physical inspection.
Matapos ito ay natuklasang ang plastic pouches ay naglalaman ng white crystalline materials na hinihinalang shabu.
Sa PDEA chemical laboratory analysis ay nakumpirma na ang substances ay methamphetamine hydrochloride, o mas kilala bilang shabu, isang dangerous drugs sa ilalim ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Bunsod nito, si District Collector Erastus Sandino Austria ay nag-isyu ng Warrants of Seizure and Detention laban sa subject shipments dahil sa paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa RA 9165.
Kaugnay nito, ang Port of Clark, sa pamumuno ni District Collector Austria, ay nananatili sa kanilang pangako sa pagsawata sa iba’t ibang modus operandi ng drug smugglers upang mapigilan ang pagpasok at distribusyon ng illegal substances.
“Though there is still much work to do in the Bureau of Customs to achieve greatness in our efforts to stop any illegal attempts to import controlled substances into the country, we will continue to strengthen our coordination with our partner law enforcement agencies in protecting our nation from the damaging effects of drug trafficking,” pahayag ni Commissioner Bienvenido Rubio.
(JO CALIM)
136