P2.5-M KUSH MARIJUANA NASABAT SA CLARK

NAPIGILAN ang tangkang pag-smuggle ng 1,534 gramo ng high-grade marijuana o kush marijuana na may halagang P2,531,100 matapos masabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs Port of Clark ka­makailan.
Nadiskubre ng BOC ang illegal drugs sa isang shipment na idineklara bilang “men’s t-shirts, men’s trousers, men’s windbreaker” mula Kentucky, USA.
Unang na-flag bilang kahina-hinala ng X-ray Inspection Project (XIP) personnel, ang shipment ay isinailalim sa K9 sniffing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 Unit, na nagtala ng presensiya ng dangerous drugs.
Isang physical examination ang agad na isinagawa ng nakatalagang customs examiner sa harapan ng media, barangay kagawad, at kinatawan mula sa Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, Enforcement and Security Service, Customs Intelligence and Investigation Service, XIP, at PDEA.
Ang physical examination ay naging daan sa pagkakadiskubre sa tatlong jog-sealed bags na naglalaman ng pinatuyong dahon at fruiting tops ng marijuana.
Dahil dito, ang samples ay ipinadala sa PDEA para sa chemical laboratory analysis, na nakilala bilang Tetrahydrocannabinol/Marijuana, isang dangerous drug sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Agad nag-isyu si District Collector Cruz na Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing shipment makaraang may makitang probable cause sa paglabag sa Section 118 (g), 119 (d), at 1113 par. (f), (I), at (l)-(3) at (4) ng Customs Modernization and Tariff Act in relation to R.A. No. 9165.
“The Port of Clark remains vigilant against various drug smuggling attempts and this recent accomplishment is a testament that we are consistent in fulfilling the mission of the Bureau of Customs to strengthen border security,” ani District Collector Elvira Cruz.
 Pinuri naman ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang BOC-Clark para sa kanilang pakikipaglaban sa illegal drug smuggling at kinilala ang suporta ng PDEA  sa Bureau’s anti-illegal drug operations.
(JOEL O. AMONGO)
129

Related posts

Leave a Comment