P35-M SHABU NASABAT NG CUSTOMS-NAIA

SHABU-CUSTOM NAIA

(Ni Joel O. Amongo)

Aabot sa P35 milyon ha­laga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa bagahe ng isang pasaherong nagtangkang iwanan, Sabado ng umaga sa nasabing paliparan.

Ayon sa report, ang  pinaghihinalaang bagahe ay  ininspeksyon at ipinagbigay alam sa Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) sa pakikipag-ugnayan sa NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) para sa posibleng  drug interdiction operation.

Gayunpaman, sa  isinagawang eksaminasyon, dito ay nakita ang puting pulbos, methamphetamine hydrochloride (shabu), na may timbang na mahigit kumulang sa  5.16-kilo na may  katumbas na halagang P35 milyon.

Ayon pa  sa report, dakong alas-6:30 ng umaga, sumakay ang  may-ari ng bagahe  sa Philippine Airlines Flight No. PR 596 mula Hanoi, Vietnam.

Nang isagawa na ang inspection sa nasabing bagahe ay bigla itong iniwan ng may-ari dahilan  upang magsagawa ng hot pursuit operations ang pinagsanib na tauhan ng BOC-NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa pakikipagtulungan ng  PDEA-Region 3 na nag­resulta sa pagkadakip ng suspek  sa Tarlac City bandang alas-4:00 ng hapon.

Hindi tinukoy ang pagkakilanlan ng suspek  na kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Ta­riff Act at Republic Act 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang Customs-NAIA ay patuloy ang mahigpit na pagbabantay laban sa mga  nagpupuslit ng illegal drugs sa passenger arrival area at air parcels  ng paliparan.

125

Related posts

Leave a Comment