(Ni JOEL O. AMONGO)
NASABAT ng Bureau of Customs ang P4.4 milyong smuggled na asukal na nakalagay sa walong (8) containers noong Miyerkoles (Nobyembre 13) sa Port of Manila.
Sinabi ng BOC, ang mga kontrabando na dumating sa South Harbor noong Agosto 30, 2019 mula China ay pawang Korach Conditioned Refined Sugar na itinago sa container na idineklara sa customs steel coil.
Inihayag ng BOC na RZTREC Trading, ang consignee ng asukal na kinumpiska sa bisa ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa kargamento, ay sinampahan ng kasong kaugnay sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Samantala, inaasahan na dadagsa pa ang iba’t ibang kargamento sa mga daungan sa bansa kaugnay nang nalalapit na holiday seasons.
Matatandaan noong Oktubre 21, 2019, nasabat ng BOC-Port of Cebu ang apat na containers na naglalaman ng iba’t ibang mga gulay na mula sa China na idineklarang oranges na nagkakahalaga ng kulang-kulang P1 milyon.
130