PORT OF CEBU, STAKEHOLDERS KAPIT-KAMAY

BOC-PORT OF CEBU-2

Kalakalan palalakasin, pasisiglahin

MASIGLANG tinalakay ng Bureau of Customs-Port of Cebu at stakeholders ang mga paraan at proseso upang mas lalo pang mapalakas at mapatatag ang kalakalan sa lalawigan noong Enero 10, 2020.

Ang kanilang pag-uusap ay bahagi ng pinatin­ding ‘trade facilitation efforts’ na pinangunahan ni Port of Cebu District Collector Charlito Martin Mendoza katuwang si Acting Deputy Collector for Assessment Atty. Lemuel Erwin Romero.

Ang dalawang opisyal ng Port of Cebu at nakipag-meeting sa mga kinatawan ng iba’t ibang stakeholders ng Cebu mula sa Therma Visayas, Mabuhay Filcement Corporation, PhilGold Processing and Refining Corporation, Chioson Development Corporation, Kepco SPC Power Corporation, Apo Cement Corporation, Cebu Energy Development Corporation, Taiheiyo Cement Corporation, Ecossential Foods Corporation, and Cagayan Corn Products Corporation.

Nakatakdang makipagkita at makipag-usap din sina Mendoza at Romero sa iba pang stakeholders upang makuha rin ng ideya mula sa mga ito kaugnay sa pagpapalakas ng kalakaran sa Cebu, pagpapalitan ng pangakong kaalaman at pakikipagtuwang  sa mga pangangailangan ng mga pangunahing pantalan sa bansa.

Natalakay sa usapan noong Biyernes ang mga naging problema sa port at ang posibleng kalutasan sa mga naging suliranin at maging ang tamang pro­seso upang mas mapaganda ang kalakaran at mas makapagserbisyo sa bayan. (Boy Anacta)

245

Related posts

Leave a Comment