Ang ‘Record breaking achievements’ ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) mula 2018-2019 ang ibinida sa pagdiriwang ng kanilang 59TH founding anniversary noong Setyembre 16, 2019.
Ang selebrasyon ay may temang ‘FLYING HIGH @59: AMAZING BOC-NAIA’S ACHIEVEMENTS ON THEIR FOUNDING ANNIVERSARY’.
Pinangunahan ni District Collector Carmelita M. Talusan, mga opsiyal at kawani ng BOC-NAIA ang selebrasyon kung saan nakasentro hindi lamang sa kanilang gawain kundi higit nitong ipinagmalaki ang matagumpay nilang pag-abot ng revenue target ma-ging ang pagprotekta sa mga hangganan ng bansa.
Ang revenue collection ng Port of NAIA mula Enero hanggang Agosto 2019 ay tumaas ng 9% kung ikukumpara sa 2018 sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Kabilang sa kanilang record-breaking achievement ay ang pagkakasabat ng mga illegal drug na umabot sa kabuuang halagang P531 milyon mula 2018 hanggang Setyembre 2019 sa pamamagitan na rin ng team work ng BOC-NAIA frontliners at operatives at sa tulong ng PDEA.
Kinabibilangan ito ng shabu, ecstasy, heroine, kush at marijuana.
Dahil dito, pinapurihan nina Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero at Department of Finance Undersecretary Antonette Tionko ang naturang matagumpay na achievement ng BOC-NAIA kasabay ng pagbibigay ng special award bilang “THE PORT WITH THE MOST NUMBER OF BORDER CONTROL SEIZURES FOR THE YEAR 2018”.
Matatandadan na hindi lamang sa pagprotekta ng mga hangganan laban sa illegal drugs ang tinutukan ng BOC-NAIA kundi maging ang pagpigil sa illegal wildlife trade, firearms at meat products na walang kaukulang permits.
Sa record, umaabot na sa 3,084 wildlife at endangered species na walang permits mula sa Bureau of Animal Industry at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang nasabat.
Kinabibilangan ito ng iguanas, bearded dragons, chameleons, stingrays, stuffed moose head, fox, snakes, tarantulas at 1,529 duct-taped live turtles na kung saan iti-turn over na sa Department of Environment and Natural Resources and Department of Agriculture.
Ang nasabing pagkakasabat ng nasabing wildlife animals ay dahilan upang parangalan ng iba’t ibang international newspapers at organizations ang BOC Philippines.
Ngayong taon din may kabuuang 10 pistols at 400 live ammunition ang nasabat ng BOC-NAIA mula sa iba’t ibang misdeclared packages palabas o papasok sa bansa.
Bukod sa nasabat din nito ang 2 aircraft: isang 80-seater at 50-seater aircraft, gayundin ang 825 used cellphones na walang permits.
Patuloy ring nakaalerto ang BOC para protektahan ang buong bansa laban sa African Swine Fever outbreak.
Naglunsad din ito ng kanilang “SERVING WITH HONOR“ theme para sa higit na ikagaganda ng kanilang paghahatid serbisyo.
PORT OF SUBIC NAKAPAGTALA NG RECORD-BREAKING REVENUE
Samantala, nakapagtala rin ang Bureau of Customs (BOC) Port of Subic ng ‘record-breaking revenue history’ simula nang maitatag ito 26 taon na ang nakalipas.
Naging malaking ambag sa tagumpay ng BOC Port of Subic ang team work at determinasyon, gayundin ang matinding kampanya ng rank-and-file ng mga empleyado nito.
Dahil dito, maituturing na ‘unprecedented at record-breaking revenue history’ ito para sa Subic BOC-sub port sa ilalim ng pamumuno ni district collector Marites Martin.
Base sa datos, mula sa kanilang P20 bilyon yearend target ay nakapagtala sila ng P30 bilyong actual collection.
Bukod dito, nalagpasan din ng Port of Subic ang kanilang ‘Calibrated Collection Target’ para sa buwan ng Agosto sa loob ng tatlong taon. Mula sa kanilang orihinal target na P1,683,230,000, nakapagtala sila ng P2,061,802,398. (Joel O. Amongo)
140