TARA SA BOC DAPAT AKSYUNAN NG PACC AT NBI 

IMBESTIGAHAN NATIN

Agent Dekuku at Joey R. ‘di natitinag sa koleksyon

Lumakas ang panawagan ng mga lehitimong consignee at broker sa Bureau of Customs (BOC) na aksyunan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang hindi natitinag na agresibong pangongolek­ta nina Agent Dekuku at Joey R. ng tara sa ahensya.

Nakasandal umano sa pader ang dalawa dahil protektado ng mataas na opisyal sa Intelligence Group ni Dep. Comm. RR at mataas na opisyal ng X-Ray Inspection Project ng BOC, kaya’t hindi umano nag-aalala ang mga ito kahit makarating pa kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hinaing ng mga stakeholder.

“Take it or leave it” ang labanan dahil sa protek­syon ng mga ipinagmamalaki nilang pad­rinong mga opisyal sa loob.

Sa sobrang lakas umano ni Joey R. ay hindi ito nagre-report sa kanyang area of assignment. Marami ang nagtatanong kung ano ang dahilan at namamalagi ito sa central office ng BOC kahit ito ay nakatalaga sa Batangas.

“Kung iisipin, ano ang dahilan bakit nasa head office siya at malakas ang loob na tawagan kami para magpakilalang bagman sila nina IG at XIP?” sumbong ng isang broker na hinihingan ng regular na tara.

Mismong ang Personnel Office ng BOC ay pikit-mata umano sa lantarang gawain na ito ni Agent Joey R.

Mula sa P5,000 ay pumapalo sa P10,000 kada container ang tara na hinihingi nina Agent Dekuku at Joey R. depende sa transaksyon sa mga consignee at broker.

Dahil dito, mahihirapan ang liderato ni Pangulong Duterte na sugpuin ang patuloy na pagkalat ng ilegal na droga sa bansa dahil umano sa aktibong koleksyon ng tara sa x-ray.

194

Related posts

Leave a Comment