TAX-FREE NA SA KARGAMENTONG MAY HALAGANG P10-K PABABA

BOC-2

(Ni JOEL O. AMONGO)

Libre na ngayon sa duties and taxes ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kargamentong nagkakahalaga ng sampung libong piso pababa.

Ito’y batay na rin sa Customs Administrative Order (CAO)  na ipinatupad  ng Bureau of Customs (BOC)  na bahagi sa inaprubahang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Noong Setyembre 28  ng nakaraang taon ay inilabas ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang CAO No. 02-2016 o ang tinatawag na “imported goods with ‘De Minimis’ value not subject to duties and taxes”  na inaprubahan naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Sa Section 423 ng CMTA, nakasaad na “no duties and taxes shall be collected on goods with freight on board (FOB) or free carrier (FCA) value of P10,000 or below.”

Ang ‘De Minimis’  na tinutukoy sa CAO  ay ang mga kargamentong  nagkakahalaga ng sampung libong piso pababa ay wala o libre na umano  sa duty o tax.

Ang CAO ay resulta ng isinagawang public consultation na nangyari noong Set¬yembre 1 ng nakaraang taon sa tulong ng mga stakeholders.

Ang maayos na  mga  kargamento na may ‘De Mi¬nimis value’  ay kinakailangan lamang kumpletuhin ang kanilang requirements para sa kaukulang pag-release nito.

Ipinatupad  ito upang baguhin ang dekadang Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP).

Layunin din ng pagpapatupad ng patakaran ay upang mabawasan ang  importation and Customs administration cost sa clearance ng importasyon na may ‘De Minimis value’.

Nakasaad  pa sa CAO na ang kalihim ng  Finance ay may kapangyarihan na magbago ng “De Minimis value” tuwing ika-3 taon gamit ang Consumer Price Index.

155

Related posts

Leave a Comment