ULTIMATUM VS TIWALING KAWANI NG BOC

Commissioner Rey Leonardo Guerrero-1

(Ni Jo Calim)

May babala si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero laban sa mga tiwaling opisyal at empleyado ng Customs partikular ang naniningil ng bayarin na hindi sakop ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 30-2019.

Ayon kay Guerrero, mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang sinumang opisyal at empleyado  kapag mapatunayang na­ningil ng bayarin na wala sa CMO.

Matatandaang  nilag­daan ni Guerrero ang CMO No. 30-2019 noong Hunyo 18, 2019  na kung saan  nakapaloob  dito ang listahang saklaw ng Customs fees and charges.

Dahil sa inilabas na kautusan, ang sinumang ma­ngongolekta ng hindi makatarungan o naaayon sa CMO ay kakasuhan ng Customs.

Ang nasabing kautusan ay mahigpit na ipinatutupad sa lahat ng Customs officials at empleyado sa kanilang isinasagawang collection of taxes, fees, at iba pang imports.

Ang sinumang lalabag nito ay parurusahan, ayon sa pinakamabigat na parusang nakapaloob sa CMO.

Layunin na rin nitong maiwasan o tuluyan nang masugpo ang korapsyon sa ahensya.

114

Related posts

Leave a Comment