IPINAG-UTOS ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa mga opisyal at empleyado na higpitan ang pagpapatupad sa batayan para sa halaga ng imported goods sa ‘valuation method’ sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Sa memorandum na may petsang Nobyembre 6, ipinag-utos ni Guerrero sa mga opisyal ng BOC na sumunod sa mga probisyon ng Customs Administrative Order (CAO) No. 08-2007 at Customs Memorandum Order (CMO) No. 28-2007 kaugnay sa tamang deskripsyon ng imported articles na nakalagay sa tariff terms.
Sinabi ni Guerrero, “several imported goods were intentionally declared in general manner to avoid proper classification and valuation or that description of articles in the import declarations (was) not sufficient in detail to enable the article to be identified for tariff classification, valuation and other statistical purposes.”
Dahil sa CAO 08-2007 at sa implementing order nito, inisyu ang CMO 28-2007 ng BOC para sa panananatili sa pagtatala ng bilang ng mga lumalabag at ipaalala sa kanila na sundin ang nasabing kautusan.
Idinagdag pa ni Guerrero sa BOC officials at personnel, na sundin ang mga batayan para sa valuation, ayon sa Sections 700 hanggang 707 ng CMTA.
Sa ilalim ng CMTA, ang Sections 700 hanggang 707 ay nakasaad ang mga batayan para sa valuation, kasama ang sunud-sunod na aplikasyon ng valuation methods (Sec. 700) at ang valuation methods: Transaction Value System or Method One (Sec. 701); Transaction Value of Identical Goods or Method Two (Sec. 702); Transaction Value of Similar Goods or Method Three (Sec. 703); Deductive Value or Method Four (Sec. 704); Computed Value or Method Five (Sec. 705) at Fallback Value or Method Six (Sec. 706).
Sa ilalim ng Section 700, ang imported goods ay kailangang naaayon ang halaga sa Section 701 sa itinakdang kondisyon na kung saan ang Customs value ay hindi malalaman sa ilalim ng mga probisyon ng Section 701.
Malalaman lamang ito sa patuloy na proseso sa pamamagitan ng mga sunod na seksyon.
Kung ang Customs value ay hindi malalaman sa ilalim ng Sections 701 sa pamamagitan ng 705, maaari itong malaman sa ilalim ng Section 706.
Sa Section 707 (Ascertainment of the Accuracy of the Declared Value), kung ang deklarasyon ay naiprisenta na at ang BOC ay may rason na magduda o kung totoo ang partikular na mga dokumentong nakuha para suportahan ang deklarasyon.
Dahil dito, ang BOC ay maaari nang humingi ng kaukulang paliwanag mula sa importer kasama ng mga dokumento at ebidensiya.
Ito ay para mapatunayan na ang deklarasyon na naiprisenta ay tama ang kabuuang halaga sa kanilang aktuwal na binayaran para sa kanilang imported goods na adjusted base sa provisions ng Section 701.
Sinabi pa ni Guerrero, ang hindi mag-implementa ng kautusan “will not only defeat the efforts of the Bureau of Customs in the establishment and/or publication of values in the National Value Verification System (NVVS) but, likewise, will adversely impact the collection of lawful revenue”.
Binanggit pa niya, ang sinumang Customs personnel na hindi sumunod ng direktiba ay may pananagutan sa mga probisyon ng Section 1431 (statutory offenses of officers and employees) ng CMTA.(Joel O. Amongo)
173