VISMIN ASSESSMENT AND OPERATIONS SUMMIT PINANGUNAHAN NG BOC-PORT OF CEBU

VISMIN ASSESSMENT AND OPERATIONS SUMMIT

(Ni JOEL O. AMONGO)

PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu ang first Visayas and Mindanao Assessment and Operations Summit sa isang hotel sa Cebu noong nakaraang Sabado, Setyembre 28, 2019.

Si Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza ang nagbigay ng welcome remarks, kasama si  Atty. Edward James A. Dy Buco, Deputy Commissioner for Assessment and Operations Coordinating Group.

Tinalakay sa nasabing summit ang Methods of Va­luation/Role of Operations in Revenue Collection na pinangunahan ni Dr. Jesus G. Llorando, Acting Chief of Liquidation and Billing Division-Port of Manila (POM) at Atty. Maria Liza Sebastian, Deputy Collector for Operations, POM.

Habang  si  Rechilda T. Oquias, chief ng Export Coordinating Division ang nagsalita naman kaugnay sa Rules of Origin and Philippine National Trade Repository (PNTR).

Si Atty. Yasser Ismail Abbas, director, Import and Assessment Service (IAS)  ang nagpaliwanag sa National Valuation Verification System (NVVS) at iba pang  values of reference.

Kasunod nito, ang lecture sa computation and permits patungkol sa regulated goods ay ginawa ni Romy Lloyd D. So, Customs Operations Officer (COO) III, FED-Manila International Container Port (MICP).

Ipinaliwanag din ang weight freight at iba pang shipping charges at air express ni Mr. Antonio Meliton T. Pascualm, CCOO at Mr. Dan Oquias, officer-in-charge, DHL-Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang nasabing summit ay dinaluhan ng assessment and operations personnel mula sa Visayas at Min­danao ports.

Idinaos ito para lalo pang maging handa ang Customs officers sa paghawak ng assessment at operations functions nang  naaayon sa taglay nilang  kaalaman at talino  na makatutulong sa pagtaas ng revenue collection at lalo pang pagpapaganda ng serbisyo ng Customs.

151

Related posts

Leave a Comment