IPINAMALAS ng mga kalahok mula sa 20 barangay ng Las Piñas City ang kanilang galing sa paghataw sa idinaos na Inter-Barangay Zumba Competition sa Villar Tent sa Pulang Lupa Uno, sa nasabing lungsod.
Ang kaganapan ay itinaguyod ni Senator Cynthia Villar at ng Villar Foundation bilang pagdiriwang sa Buwan ng Kababaihan.
Umabot sa 5,000 ang dumalo sa pinakamalaking indoor Zumba competition. (DANNY BACOLOD)
