‘INTER-PORT MEETING ON VACCINE’ ISINAGAWA NG 3 PORTS

Isinagawa ng tatlong malalaking pwerto ng Bureau of Customs ang isang inter-port meeting kaugnay ng inaasahang sunod-sunod na ­pagdating ng mga supply ng covid-19 vaccine sa bansa.

Ang pagpupulong ay nilahukan ng Port of NAIA, Port of Davao, at Port of Cebu na kung saan tiyak na dadaan sa nasabing mga pwerto ang mga paparating na bakuna.

Layunin ng mga port sa kanilang pagpupulong ay ang matiyak na mabilis na mapo-proseso ang mga dokumentong kailangan ng vaccines upang agad din itong maipadala sa kani-kaniyang destinasyon saan mang panig ng bansa.

Kabilang sa tinalakay ang ‘customs pre-clearance process, documentary requirements for importation and donation, expedite handling, and logistical ­challenges upang masiguro ang maayos na pagpapalabas ng bakuna mula sa BOC ports.

Ibinahagi naman nina Deputy Commissioner Atty. Edward James Dybuco at NAIA District Collector Carmelita Talusan ang kanilang isinagawang Covid-19 vaccine arrival simulation noong Pebrero 10, 2021, habang sina Davao District Collector Atty. Erastus Sandino Austria at Cebu District Collector Atty. Charlito Martin Mendoza ay tiniyak ang kanilang kahadaan para sa pagpapabilis ng mga paparating na bakuna.

Ang Bureau of Customs sa pamamagitang ng ­patnubay at direktiba ni Commissioner Rey ­Leonardo B. Guerrero ay patuloy sa kanilang pag-organisa ng inter-port ­meetings para masiguro ang lahat ng kahandaan para sa maramihang pagdating ng bakuna sa bansa.

Kamakailan ay una nang dumating sa Villamore Airbase ang 600,000 doses ng CoronaVac mula sa kompanyang SINOVAC ng China na mismong si ­Pangulong Rodrigo Duterte ang sumalubong.

Inaasahan naman ang pagdating ng iba pang mga bakuna sa mga susunod na Linggo at buwan mula sa mga bansa sa Europa at Amerika at dadalhin sa ibat-ibang lalawigan gamit ang mga paliparan. (Jo Calim)

150

Related posts

Leave a Comment