ISANG BAGONG ANTAS NG KATAPATAN: ANG PANININDIGAN NI SPEAKER BOJIE DY

TARGET ni KA REX CAYANONG

SA panahong tila gasgas na ang salitang korupsyon at unti-unting kumukupas ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno, isang liwanag ang hatid ng paninindigan ni House Speaker Bojie Dy.

Sa kanyang matapang na pahayag na, “Kung kakailanganing ipakita ang SALN ko, why not?”, malinaw ang kanyang mensahe—wala siyang itinatago at bukas siyang masuri ng publiko.

Hindi madali para sa isang mataas na lider ng bansa ang maghayag ng ganitong posisyon.

Maraming opisyal ang nagdadalawang-isip o umiiwas sa usaping SALN, subalit si Speaker Dy ay buong tapang na sumang-ayon na isapubliko ito.

Isa itong patunay ng kanyang katapatan at tunay na malasakit sa bayan.

Sinasabing sa kanyang paninindigan, ipinakikita niya na ang serbisyo publiko ay hindi dapat itinatago sa dilim kundi isinasabuhay sa liwanag ng transparency.

Malaking bagay ito lalo na’t sunod-sunod ang mga ulat ng malawakang katiwalian—mga pondo ng bayan na nilulustay para sa pansariling kapritso ng ilang tiwaling opisyal.

Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, nariyan si Speaker Dy na nagsusulong ng reporma at nagbabalik ng pag-asa na may mga lider pa ring inuuna ang bayan bago ang sarili.

Ang kanyang pagiging bukas-loob na ilahad ang SALN ay simbolo ng pananagutan.

Ang tiwala ng mamamayan ay hindi basta hinihingi—ito ay pinatutunayan.

Aba’y sa bawat salitang binitiwan ni Speaker Dy, dama ang kanyang sinseridad na ibalik ang kredibilidad ng Kongreso sa mata ng publiko.

Kung susundan ng iba pang mambabatas ang kanyang ehemplo, tiyak na magiging malaking hakbang ito sa muling pagbubuo ng tiwala ng mga Pilipino.

Ang transparency ay pundasyon ng mabuting pamamahala, at ang lider na handang ipakita ito ay tunay na karapat-dapat purihin.

Sa madaling salita, si Speaker Bojie Dy ay hindi lamang lider ng Kongreso—siya ay huwaran ng tapang, katapatan, at malasakit.

At dahil dito, muli niyang pinapaalalahanan ang lahat na “ang kapangyarihan ay hindi para sa pansariling interes, kundi para sa taumbayan.”

35

Related posts

Leave a Comment