It’s all about boxing immortality for Manny – Freddie Roach

Ni EDDIE ALINEA

NAKAUGALIAN na ni Manny Pacquiao na pagdating sa Amerika ay nagpapahinga ng ilang araw bago mag-ensayo para sa nalalapit niyang laban.

Hindi ito nangyari ngayon dahil pagdating niya sa Los ­Angeles noong nakaraang Lunes ay agad siyang sumabak sa intense training para sa ikalawang yugto ng preparasyon sa laban nila ni Errol Spence Jr. Nagsimula ang unang yugto ng ensayo noong Hunyo 9 sa ­General Santos City.

Magtutuos si Pacquiao at Spence para sa korona ng WBC at IBF welterweight sa Agosto 21 sa Mobile-T Arena sa Las Vegas.

Sa Wild Card Gym ni Hall of Famer trainer Freddie Roach itinuloy ang training routine ng Pambansang Kamao na inihanda ng kanyang team kabilang si chief trainer Buboy Fernandez at mga katulong na sina Nonoy Neri, Roger “Haplas” Fernandez at Jonathan Penalosa.

Nagulat na lang ang ­ilang joggers nang makita ang ­’fighting senator’ na tumatakbo mula sa kanyang mansion patungong Pan Pacific Park, ang paborito nitong pagdausan ng kanyang roadwork maliban sa matayog na bulubunduking Griffith Park sa distrito ng Sta. Monica.

Nang sumunod na araw, ang roadwork ay sinamahan ng physical conditioning routine sa Wild Card Gym kasama sina Roach at kanyang team – conditioning guru Justin Fortune at Filipino assistant Marvin Somodio.

Nagulat si Roach at mga kasama nang humiling si Manny ng sparring na nakaugalian niyang gawin sa ikalawang linggo niya sa Wild Card.

Makalipas ang dalawang araw, kinuhanan siya ng blood sample ng mga kinatawan ng Voluntary Anti-Doping Association (VADA) at pagkaraan ay muling nakipag-spar si Pacquiao sa dalawang matitipuno at matatangkad na boksingerong pinili mismo ni Roach na nakilalang sina Maurice Lee (5’11) at Alexis Rocha (5’10).

“Everyone in camp can sense this fight has a special meaning. It is not just about beating a top pound-for-pound fighter or winning more titles,” obserba ng mahigit dalawang dekada nang trainer ni Pacman na si Roach. “This time, it’s all about boxing immortality for Manny Pacquiao.”

“I am a Red Sox fan, and I can tell he wants to go out like Ted Williams did, hitting a home run in his last at-bat. By the way, Ted Williams was also 42 when he did that, ” sabi pa ni Roach.

163

Related posts

Leave a Comment