JANET LIM NAPOLES AT SARAH DISCAYA PAREHONG-PAREHO

RAPIDO ni PATRICK TULFO

MAIHAHALINTULAD si Sarah Discaya sa orihinal na reyna ng korupsyon at nakakulong na ngayon sa Women’s Correctional Facility na si Janet Lim Napoles.

Bukod sa pareho silang babae at ina ng tahanan, pareho rin nilang niloko ang gobyerno sa kanilang mga proyekto.

Kapwa silang may ghost projects. Si Napoles ay gumamit ng mga pekeng NGO kaya hindi nai-deliver ang mga proyekto na pinondohan ng perang galing sa pork barrels ng ilang mambabatas. Samantalang nakasuhan na rin itong si Sarah Discaya sa ghost projects sa Davao Oriental kaya sumuko na ito sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) bago pa man lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya.

Magkapareho rin ang kanilang lifestyle dahil matapos na makasuhan si Napoles ng graft at malversation ay inutos ng korte na ma-freeze ang bank accounts at properties nito, at nalaman ng sambayanan kung gaano kayaman ito. Ganoon din si Discaya nang ipagyabang nito sa isang panayam ang kanilang mamahaling mga sasakyan kasama na ang Rolls Royce at Bentley.

Mukhang masesentensiyahan itong mag-asawang Discaya at pag nagkataon ay magkahiwalay sila ng kulungan dahil sa NBP sa Muntinlupa ilalagay si Curlee at sa Correctional sa Mandaluyong naman si Sarah kung saan makakasama nito si Janet Napoles.

At kung mangyayari ‘yan ay hindi siguro malayo na sila ay maging best of friends.

Pero ang mas maganda ay makakasama rin nilang nakapiit sa kulungan ang iba pang mga akusado sa flood control scam mula sa DPWH at mga mambabatas na sangkot sa katiwalian.

99

Related posts

Leave a Comment