JC ‘OUT’ SA FIBA

Ni ANN ENCARNACION

HINDI na makalalaro si Fil-Am Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas.

Ngunit sa dalawang window lang (5 at 6) ng Fiba Asia Cup, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Nauna nang kinumpirma ng Utah Jazz guard at 2020-21 NBA season’s Sixth Man of the Year ang kanyang partisipasyon sa national squad sa Fiba Basketball World Cup 2023 na ihohost na bansa kasama ang Indonesia at Japan.

Sinabi ni SBP Executive Director at spokesperson Sonny Barrios, walang problema kung last minute nang makaka-join si Clarkson sa Gilas.

“Siya lang ang puwedeng ma-exempt sa ganun. Walang ibang personalidad na may ‘K’ na six weeks to go, sasali,” paliwanag ng opisyal.

“Yung mga locals natin, assuming siya ang ating naturalized for the World Cup, will be together for two months by the time Jordan joins us. But that should not be a problem.”

Unang sasabak si Clarkson sa Gilas kontra Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut, bago ang home game ng nationals kontra Saudi Arabia sa 29 sa Mall of Asia Arena.

Hindi naman makalalaro si Clarkson sa fifth window sa ­Nobyembre, at 6th window sa Pebrero 2023 dahil sa NBA games.

KAI, KASAMA NA SA GILAS

MAGPAPARTNER sina Jordan Clarkson at 7-foot-3 Pinoy Kai Sotto sa fourth window ng Asia qualifier.

“We are glad to have Kai into the Gilas fold and thank him for his proactive response to the call to play for flag and country for the August qualifiers,” pahayag ng SBP spokesperson.

Si Sotto, ilang beses nang nakasama ng Gilas sa mga nakaraang Fiba games, ay ­darating sa Manila (mula Australia) sa Agosto 18.

Maliban kina Clarkson at Sotto, makakasama rin sa national squad sina Dwight Ramos, Thirdy at Kiefer Ravena, Bobby Ray Parks Jr., Francis Lopez, Carl Tamayo at Kevin Quiambao.

Hindi pa rin pinangalanan ang PBA players na kukumpleto sa lineup ng Gilas dahil patuloy pang ginaganap ang Philippine Cup semifinals.

233

Related posts

Leave a Comment