JINGGOY, BONG REVILLA SAPUL KAY KIKO

TILA tinumbok ng banat ni Senador Kiko Pangilinan sina Senador Jinggoy Estrada at dating Senador Bong Revilla ukol sa pagkaka-absuelto nila sa kontrobersyal na pork barrel fund scam.

“Kung ‘yung sa Napoles cases nauwi sa halip na abswelto ay kulong, hindi na nangyari itong mas malaking kurakot. Plunder ang mga kaso noon, nakakulong na nga pero na-abswelto,” wika ni Pangilinan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Pangilinan, ang pagkakaabsuwelto ng ilang mga sangkot sa pork barrel scam ay humantong sa panibagong iskandalo sa pondo ng gobyerno.

“Na-release ng korte, pinakawalan ng ating hudikatura. ‘Yun ang dulo ng lahat nang ito. Kung maaari, maging senyales din sa hudikatura, kapag nakita ng taumbayan na mabagal ito, baka pati sila ay i-rally ng ating mga kababayan,” dagdag pa ni Pangilinan.

Sa plenaryo, bumuwelta si Estrada sa pagsasabing hindi niya pwedeng palampasin ang pahayag ni Pangilinan.

“His comments, while not naming us directly, were laced with insinuations, clearly aimed at me and former senator Bong Revilla, in the legal ordeals I have already faced,” wika ni Jinggoy.

Giit ni Jinggoy, bilang abogado ay hindi pwedeng kuwestiyunin ni Pangilinan ang desisyon ng hukuman na ipawalang-sala siya sa krimen.

“Are you questioning the decision of the court? You’re a lawyer, I’m not! You shouldn’t be talking about that, you’re undermining the judicial process of our country,” sagot ni Estrada kay Pangilinan.

53

Related posts

Leave a Comment