JOB APPLICANTS PINABIBIGYAN NG LIBRENG BAKUNA

HINILING ni Senador Grace Poe sa pamahalaan na bigyan ng libreng bakuna ang lahat ng aplikante sa trabaho na bukod sa makatutulong sa kanilang pagbabalik-trabaho, mahalaga ang kanilang papel sa pagbabangon ng ekonomiya.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na dapat maabot sa lahat ang pagbibigay ng proteksyon sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan, maging sa mga naghahanap ng trabaho ngunit hindi pa bakunado.

“Hindi sila kailangang itaboy, sa halip, dapat silang tulungan,” giit ni Poe.

Hinihikayat din ni Poe ang pamahalaan ang paglalatag ng mga akmang mekanismo upang sa mas maayos ang koordinasyon sa pagitan ng mga kompanya at lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng libreng bakuna.

“Sa ating kampanya sa pagbabakuna, kailangang maging masigasig ang pamahalaan upang makatawid tayo mula sa mga maling impormasyon tungo sa katotohanan, sa takot tungo sa pananampalataya, at sa pangamba patungo sa tiwala,” giit ni Poe.

“Ang pagbibigay ng bakuna at trabaho sa ating mga kababayan ay saligan ng pagliligtas ng buhay at kabuhayang kinakailangan natin sa pagbangon mula sa hagupit ng pandemya,” patapos ng senadora. (ESTONG REYES)

189

Related posts

Leave a Comment