PINAGBABARIL ang isang 27-anyos na jobless para umano patahimikin hinggil sa ilegal na droga sa Antipolo at Sulu Streets sa Barangay 364, Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ang biktimang si Anthony Babalo ng Bagong Barrio, Caloocan City.
Mabilis naman umanong tumakas ang suspek makaraan ang pamamaril patungong Pedro Guevarra Street sa Sta. Cruz.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-7:00 ng gabi, nagmamadaling kumain ang biktima sa isang karinderya saka mabilis na sumakay sa bisekleta.
Ngunit bigla umanong dumating ang suspek at pinagbabaril ito na nagresulta sa agarang kamatayan.
Nakuha mula sa biktima ang isang dagger at umano’y shabu kaya hinala ng pulisya may kaugnayan sa ilegal na droga ang krimen.
(RENE CRISOSTOMO)
