PALALAKASIN ng pambansang pulisya ang pagpapatrolya sa karagatan sa bahagi ng Norte, ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo.
Sa press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi na Fajardo na mahigit 1.2 toneladang droga ang nakuha ng mga mangingisda sa karagatan ng Pangasinan, Ilocos at Pangasinan simula noong Hunyo 02.
Tinatayang nasa mahigit P8.8 bilyong halaga ng droga ang natagpuan sa loob ng sako na palutang-lutang sa karagatan.
Ayon kay Fajardo, nakikipag-ugnayan ang PNP sa Philippine Coast Guard at Philippine Navy para sa gagawing operasyon sa karagatan.
Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon na iisang grupo ang pinanggagalingan ng mga ilegal na droga at ito ay ang Chinese triad na Golden Triangle base sa kahalintulad na packaging na ginamit.
Dagdag ni Fajardo, ang mga natagpuang droga ay hindi lang para sa Pilipinas. Posibleng ginagamit lamang aniya na tansshipment course ang bansa at idi-distribute ang kontrabando sa iba’t ibang bansa.
(TOTO NABAJA)
