‘JUAN FUN ADVENTURE’ NG DOT LARGA SA SM MALLS

JUAN FUN ADVENTURE

Pormal na ipinakilala sa publiko ng Department of Tourism (DOT) kamakailan ang proyektong Juan Fun Adventure na isang travel adventure para sa mga Filipino.

Ang naturang proyekto ay matagumpay na nabuo at nasimulan sa tulong ng SM Malls at patuloy pa itong magpapakilala para na rin sa ikauunlad ng turismo ng ating bansa.

Dahil sa likas sa mga Pinoy ang pagiging mall-goers at hilig din ang bumiyahe sa iba’t ibang lugar, ang paglulunsad ng Juan Fun Adventure ay magiging daan para sa ating mga kababayang nasa SM malls na masilayan ang ganda ng Pilipinas, magagandang karanasan at produktong maibibigay nito.

Sa Juan Fun Adventure, kaugnay ito ng pagkakaroon ng Travel Pods na siyang mag-eengganyo sa lahat para tuklasin ang turismo ng bansa.

JUAN FUN ADVENTURE-3Ang first stop ng Travel Pods na ito ay ginanap sa SM City San Lazaro sa Santa Cruz, Maynila kung saan dinaluhan ito ng mga mamamahayag at ilang opisyal ng pamahalaan partikular mula sa DOT sa pangunguna ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat. Siyempre pa, naroon din ang malaking suporta ng SM Supermalls sa pagdalo naman ng chief operating officer nito na si Steven Tan.

Tampok sa Travel Pods ang kanilang life-size dioramas tulad ng napakagandang Sirao Garden na isang flower farm sa Cebu, nakamamanghang Mayon Volcano ng Albay at ang Underground River ng Puerto Princesa.

Bida rin dito ang Aliwagwag Falls ng Davao, Calle Crisologo sa Vigan sa Ilocos Sur at marami pang iba.

JUAN FUN ADVENTURE-2Nasa okasyon din si Jollibee upang makatulong din sa pag-promote sa tourism ng bansa.

Ang Juan Fun Adventure ay bahagi ng Malling is More Fun in the Philippines campaign ng SM at DOT.

Sundan pa ang Juan Fun Adventure sa SM mall na malapit sa inyong lugar: SM San Lazaro (na nagsimula noong October 15 at magtatapos sa October 26), SM Fairview (October 28 hanggang November 9), Mall of Asia (November 11 hanggang 17), SM Megamall (November 18 hanggang 24), SM Masinag (January 8 hanggang 15), SM Aura Premier (January 17 to hanggang 2), SM Marikina (February 4 hanggang 26), SM BF Parañaque (February 28 hanggang March 15), SM East Ortigas (March 17 hanggang 24), SM Sucat (March 26 hanggang April 9), at SM Manila (April 11 hanggang 30).

JUAN FUN ADVENTURE-4Para sa iba pang detalye hinggil sa Juan Fun Adventure sa SM, magsadya sa https://www.smsupermalls.com o sundan ang SM Supermalls sa Facebook, Twitter, at Instagram @smsupermalls.

Tunay naman talaga, sa magandang proyektong ito… ‘Malling is More Fun in the Philippines’! (ANN ESTERNON)

177

Related posts

Leave a Comment