KAANAK NG MISSING SABUNGEROS: GRETCHEN, ‘ALPHA GROUP’ ISAMA SA KASO

UMAPELA sa Department of Justice (DOJ) ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero na isama sa mga kakasuhan sa korte ang aktres na si Gretchen Barretto at ang mga umano’y miyembro ng tinaguriang “Alpha Group.”

Layunin ng apela na makapaghain ng mosyon upang maisama sa listahan ng mga akusado ang ilang personalidad na idinadawit sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay Jaja Pilarta, kaanak ng isa sa mga biktima, iginiit nilang dapat managot din sina Barretto at iba pang umano’y miyembro ng Alpha Group na sinasabing may direktang kinalaman sa pagkawala ng mga biktima.

Nauna nang naglabas ng resolusyon ang DOJ na nagsasampa ng kaso laban sa negosyante at tinuturong mastermind na si Charlie “Atong” Ang, kasama ang iba pang mga dawit sa kontrobersiyal na kaso.

Gayunman, hindi isinama sa inirekomendang kakasuhan ang aktres, bagama’t naging respondent ito sa reklamong inihain ng mga kaanak ng missing sabungeros sa DOJ.

(JULIET PACOT)

51

Related posts

Leave a Comment