QUEZON – Arestado ang isang barangay kagawad na itinuturing na high value individual ng pulisya, matapos hainan ng search warrant kaugnay ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa kanyang bahay sa bayan ng Macalelon sa lalawigan noong Miyerkoles, Pebrero 4.
Ayon sa mga pulis, ang suspek ay isang 40 taong gulang na residente at kasalukuyang kagawad ng Barangay Luctob.
Nabatid mula sa Macalelon Municipal Police Station, isinagawa ang operasyon bandang alas-6:38 ng umaga sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 62.
Nakumpiska sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang bawal na gamot na may kabuuang bigat na 1.78 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P12,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Macalelon Police ang suspek para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.
(NILOU DEL CARMEN)
2
