KALANGITAN LANDFILL, PUWERSAHANG PAPASUKIN?

Clickbait ni JO BARLIZO

NABABALOT ngayon ng tensyon ang buong Kalangitan Sanitary Landfill sa Capas, Tarlac. Ito, ayon sa ating impormasyon, ay dahil nakatakdang pasukin ng Clark Development Corporation ang landfill bukas, October 6, at puwersahan itong ipasasara.

Mula sa isang napipintong garbage crisis noong una, mukhang mauuwi muna ang mga nangyayari sa isang peace and order problem. Kailangan dito na mamagitan ng Philippine National Police upang hindi mauwi sa kaguluhan ang plano ng CDC.

Ipinagpipilitan kasi ng CDC na endo na ngayong araw ang lease agreement ng Metro Clark Waste Management Corporation, ang operator ng Kalangitan, pero naninindigan naman ang kumpanya na hanggang year 2049 pa ang kanilang renta para sa 100 ektaryang lupang kinalalagyan ng landfill.

Hindi tama ang pag-physical takeover ng CDC sa Kalangitan, lalo’t may isinampang kaso ang Metro Clark sa Regional Trial Court – San Fernando City, Pampanga ukol sa isyu. Saka hindi ba’t may graft and administrative charges din sa Ombudsman laban kay CDC president and CEO Agnes VST Devanadera, kasama pa niya sa kaso sina Bases Conversion and Development Authority president and CEO Joshua Bingcang at ex-BCDA chairman Delfin Lorenzana.

Alam n’yo kung ipagpipilitan ng CDC at BCDA na ipasara ang Kalangitan Sanitary Landfill, magkakaroon talaga ng garbage crisis at health emergency. Hindi bababa sa 3,000 tonelada ng basura ang tinatanggap ng Kalangitan araw-araw mula Central Luzon at Northern Luzon at pati ang galing sa Metro Manila. Saan na dadalhin ang mga ito? Hindi ito kakayanin ng sinasabi ng BCDA at CDC na mga “alternative landfills” na sablay-sablay naman pala pagdating sa waste management. May isa pa nga dito na binabaha at inaccessible kapag may malakas na ulan.

Dahil dito, umaalma tuloy at galit-galit ang mga locators na nasa Clark Freeport Zone dahil parang pinipilit sila ng CDC na doon na magtapon ng basura sa mga “alternative landfills” simula bukas.

Para sa mga locators, walang qualified na landfill na tulad ng Kalangitan. World class ang operations ng Kalangitan. Kaya hindi makaporma ang Department of Environment and Natural Resources kaya pansinin n’yo, wala itong official statement kung compliant ba talaga ang mga alternative landfills.

Parang nagtatago sa eksena ang DENR kahit alam nitong hindi biro-biro ang problema. DENR, nasaan kayo? Aksyunan naman sana ninyo ang problema hangga’t hindi pa huli ang lahat.

Ngayong araw, magpe-prayer vigil daw sa site ang mga empleyado at manggagawa ng Kalangitan Sanitary Landfill at darating din dito ang mga customers at locators para sumuporta.

Sa Metro Clark, kasama kayo sa aming panalangin at ipag-adya sana kayo ng Diyos laban sa masasama.

327

Related posts

Leave a Comment