KALIGTASAN NG MGA MANGGAGAWA NGAYONG SEMANA SANTA TINUTUTUKAN NG TRABAHO Partylist 

NAKATUTOK ang TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa kondisyon ng mga manggagawa ngayong Semana Santa.

Unang ipinanawagan ng grupo ang mga hakbang para sa kaligtasan sa transportasyon at komportableng pagbiyahe ng mga mangaggawang Pilipino.

Batid ng TRABAHO na grabe ang pinagdaraanang pila at pag-aantay ng mga biyahero tuwing Semana Santa sa mga terminal ng bus at pati sa mga pier.

Delikado rin umano ang mga ganitong pagbibilad sa pila ng mga manggagawa dahil kasalukuyan nating nararanasan ang dangerous heat index, ayon sa babala ng PAGASA.

Dahil dito, hinimok ng TRABAHO ang mga kompanya na kung maaari ay magpatupad ng flexible work arrangements hindi lang upang mapagaan ang biyahe ng mga manggagawang Pilipino, kundi upang masiguro na rin ang kaligtasan ng kanilang mga kalusugan.

Maasahan din umano ng publiko na kaisa nila ang TRABAHO sa pagpapaalala ng kanilang mga karampatang dagdag-sahod kung sila ay magtatrabaho ngayong Semana Santa bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang mga sakripisyo.

“Mahalaga ang pagkilala sa sakripisyo ng ating mga manggagawa lalo na sa mahahalagang araw gaya ng Semana Santa,” pahayag ni TRABAHO spokesperson Atty. Mitchell Espiritu.

“Hindi lamang pasasalamat ang nararapat sa kanila kundi pati ang benepisyong nakasaad sa batas,” dagdag pa ng abogado.

25

Related posts

Leave a Comment