SA halip na si presidential son Paulo Duterte ang upakan, binanatan ni Senador Nancy Binay ang ahensyang nagbigay sa anak ng pangulo ng impormasyong may plano ang oposisyon, mga taong simbahan at ilang business establishment na maglunsad ng destabilisasyon laban sa pamahalaan.
Ani Binay, ipinapakita lamang ng “palpak na intelligence report” ang kasalukuyang estado ng intelligence gathering ng administrasyong Duterte dahil kasama sa planong destabilisasyon maging ang mga taong matagal nang patay, imbalido at aniya’y “character ng mga fast-food chain.”
Kamakalailan, nagpakawala ng ‘pasabog’ si Duterte na nagsasabing nagbabalak ang pinagsanib na puwersa ng dilawan, ilang taong simbahan at ilang business establishment na gulihin ang administrasyon ng kanyang ama.
“Naaawa ako doon sa agency na nagbigay ng intel report kay vice mayor. Sa tingin ko, kailangan silang tulungan para mai-improve naman ang kanilang level of intel capabilities. Kapag kasama na si Jollibee, McDonald’s at mutants sa destabilization plot, it’s a cause for alarm. It means our country is already in grave danger,” banggit ng senadora.
171