KAPATAGAN SINALBA NI PALMA SA ILIGAN

KUMANA ng krusyal na baskets sa huling sandali si Renz Palma upang akayin ang Kapatagan kontra Iligan City, 64-56, sa main game ng inaugural Mindanao leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Miyerkoles ng gabi sa Provincial Gymnasium ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Mula sa dikit na 52-21 bentahe, sumagitsit ang opensa ni Palma tampok ang magkasunod na three-pointer upang hatakin ang bentahe ng Buffalo Braves sa 60-53, 1:03 pa ang nalalabi sa laro.

Tumapos si Palma na may 18 puntos mula sa 7-of-16 shooting, anim na rebounds, apat na assists at dalawang steals. Nag-ambag si Jamil Gabawan ng 10 puntos at walong rebounds.

Sa unang laro ng Mindanao leg ng kauna-unahang pro league sa South, maagang nagparamdam ang Basilan nang pabagsakin ang ALZA Alayon Zamboanga del Sur, 82-48.

Tangan ang bagong moniker na Peace Riders mula sa dating Steel Riders sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Division Finals, rumatsada ang Basilan sa 15-7 abante tungo sa dominanteng panalo.

Umabante ang Braves sa 48-33 matapos ilunsad ang 21-4 run may 1:30 ang nalalabi sa third period, nagawang makaahon ng Archangels at naidikit ang iskor sa 51-52.

Target ng Braves na masundan ang panalo sa pakikipagtuos sa Zamboanga City ngayong Biyernes ganap na ala-1 ng hapon, habang asam ng Archangels na makabawi sa ALZA Alayon sa alas-3 ng hapon.

176

Related posts

Leave a Comment