NAGING mapayapa at maayos ang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila, ayon sa Manila Police District (MPD).
Batay sa datos ng MPD, umabot sa 8,500 deboto ang pinakamataas na bilang ng dumalo sa mga misa ng alas-6 at alas-7 ng gabi, kung saan nakapagsagawa ng 30 misa ang Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo.
Samantala, 218 indibidwal ang nabigyan ng tulong medikal ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Medical Response Team, katuwang ang mga volunteer sa kapistahan.
Tumulong din ang Manila Department of Social Welfare sa agarang pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong.
Nabatid na dalawang araw na nakatuon ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa aktibidad upang matiyak ang kaligtasan, mabilis na responde sa insidente, at maayos na pag-aasikaso sa mga debotong dumalo sa mga gawain sa Sto. Niño de Tondo Church at Sto. Niño de Pandacan Church.
(JOCELYN DOMENDEN)
52
