TAHASANG sinabi ng isang criminal lawyer na walang illegal sa naganap na detention sa isang konsehal ng Lopez, Quezon.
Sa panayam sa DZXL ng batikang radio broadcaster na si Ely Saludar kay Atty. Merito Lovensky Fernandez, sinabi nito na ang nangyaring pagkakakulong ni Lopez, Quezon Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde sa Pangasinan ay isang legal na pangyayari at hindi illegal.
“Kung ito ay may asunto sa korte, ibig sabihin ay naisyuhan ito ng warrant of arrest kaya siya nakulong. So yung kanyang detention is not illegal. Na-detain siya because of a case and warrant of arrest na na-issue.” pahayag ni Atty. Fernandez.
Sinabi pa ng abogado na wala rin aniyang pananagutan ang korte at ang mga pulis na nag-issue ng warrant of arrest at humuli kay Yulde hanggang sa ito ay makulong.
“Wala pong liability ang mga pulis at ang korte dahil may presumption of regularity po lahat yan. Yung pong mga pulis they acted on the basis of the warrant of arrest. Yung judge naman po will not issue a warrant of arrest kung wala siyang nakikitang probable cause dun sa kaso, kaya siya nag-issue ng warrant. Those are legal. ”
Idinagdag pa ni Atty Fernandez na…” kahit nga po yung fiscal na nag-imbestiga, nagpreliminary investigation, wala rin pong liability”.
Ayon pa kay Atty. Fernandez …”sa theory nila dahil na-dismiss ang kaso at sinasabing spurious daw po ang mga documents na ginamit, yun ang dahilan kung bakit siya nakulong, kaya serious illegal detention.”
Binigyang diin ni Atty. Fernandez na hindi uubra ito dahil aniya…”regardless of the outcome of the case, kahit pa na-dismiss yun ay hindi puwedeng kasuhan ang complainant o yung nag-build up ng kaso at kasuhan ng illegal detention.
Upang maipaliwanag nang husto ay binigay na halimbawa ni Atty. Fernandez ang kaso ni Hubert Webb na nakulong nang matagal na panahon.
“Yung kaso ni Hubert Webb na nakulong nang matagal na panahon, pero pag-akyat sa Supreme Court na-reverse ang kaso at na-dismiss dahil hindi pinaniwalaan ng Supreme Court si Jessica Alfaro.. Does it mean na puwedeng kasuhan ni Hubert si Jessica ‘pag ang NBI ang nag-build up ng kaso? Hindi po. So regardless of the outcome of the case, walang liability na serious illegal detention, ” ayon pa sa abogado.
“This is more a political propaganda to smear the name of Congresswoman Helen and Director Ronnel Tan than a case!” dagdag pa ni Atty. Fernandez.
