KAWING NG 2 BONDI SHOOTERS SA TERROR GROUPS SA PINAS INAALAM PA NG AFP

HINDI pa batid ng Armed Forces of the Philippine kung may kawing sa local extremist group sa Pilipinas ang mag-amang nagsagawa ng shooting spree sa Bondi Beach sa Australia na kumitil ng labinglimang katao sa isang Jewish events.

Ayon kay Col. Francel Margareth Padilla, tagapagsalita ng AFP, nakarating sa kanilang kaalaman ang lumabas na media report hinggil sa biyahe umano ng foreign individuals sa Pilipinas at sa posibleng link sa terrorist groups.

Ang mag-amang shooter na kinilalang si Sajid Akram, 50-anyos, at anak nitong si Naveed Akram, 24-taong gulang, ay kinumpirma ng Bureau of Immigration na nagtungo sa Pilipinas noong nakalipas na Nobyembre 1, 2025 at bumalik ng Australia noong Nobyembre 28, 2025, ilang araw bago ang hinihinalang “Islamic State ideology” killing.

Kaya lumutang ang katanungan kung nakipagkita ang mag-amang Sajid at Naveed sa Islamic extremists sa pagpunta nila sa Pilipinas bago ang isinagawang mass shooting noong Lunes sa Australia.

Ayon kay Col. Padilla, “At this time, there is no validated information confirming such claims. Matters involving the movements of foreign nationals and potential terrorist links are being closely coordinated through the appropriate government agencies.”

Nananatili umanong unverified ang posibleng koneksyon ng mag-ama sa terrorist groups o kanilang activities sa Pilipinas.

Wala naman umanong natukoy na anomang major security threats sa Pilipinas kasunod ng nasabing insidente sa Australia, ani PNP chief, Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

“Walang pagbabanta sa seguridad na aming namo-monitor pero makakaasa ang publiko na naka-alerto ang kapulisan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa,” pahayag pa ni Lt. Gen. Nartatez.

“The Philippine National Police is maintaining heightened vigilance to deter provocateurs and prevent any security threat,” dagdag pa ni Nartatez.

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes na ang gunmen na sangkot sa madugong pamamaril sa Bondi Beach sa Sydney, Australia ay nanatili sa Pilipinas bagong ang isinagawang pamamaril sa Jewish Hanukkah festival.

(JESSE RUIZ)

83

Related posts

Leave a Comment