Kaya nagpapapansin – Palasyo CARPIO PUMOPORMA SA PULITIKA

MALABONG ma-impeach si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mapatalsik sa kanyang posisyon dahil lamang sa kanyang polisiya sa West Philippine Sea (WPS).

Pinalagan ni Presidential spokesman Harry Roque ang alegasyon ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang pangulo ay nakagawa ng “betrayal of public trust and national interest” dahil sa kanyang posisyon sa maritime conflict.

Para kay Sec. Roque, nagpapapansin lang si Carpio.

“Alam ninyo ang taong bago sa pulitika sasabihin ang lahat para mapansin and this is yet another instance of Justice Carpio saying things just for the attention,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Iginiit pa ni Sec. Roque na ang polisiya ng pangulo sa pagsusulong sa iba pang aspeto ng kooperasyon sa China gaya ng trade and investments na naging dahilan para mabinbin ang resolusyon ng territorial conflict ay hindi impeachable offense.

“Ang totoo niyan it is not just because it is a numbers game. It is because it is utterly bereft of merit because the president is the sole architect, primary architect of foreign policy,” ayon pa sa tagapagsalita ng Palasyo.

Kung naniniwala aniya si Carpio na nilabag ng pangulo ang batas sa kanyang naging posisyon sa West Philippine Sea, sinabi ni Sec. Roque na maaaring dalhin ni Carpio ang kasong ito sa Korte Suprema. (CHRISTIAN DALE)

184

Related posts

Leave a Comment