SINUSPINDE ANG klase sa malaking bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan, dahil na rin sa epekto ng Bagyong Quinta.
May ilang hanggang sa Martes walang pasok.
Sa Metro Manila, sinuspinde ang pasok sa Maynila, Caloocan, Las Pinas, Mandaluyong, Muntinlupa, Pasay, San Juan Taguig.
Habang hanggang sa senior High School sa Quezon City.
May iba naman na kasama ang trabaho sa suspendido tulad sa Albay, Batangas, Cavite, Camarines Sur, Laguna, Occidental Mindoro, lalawigan ng Rizal at Sorsogon.
Sinuspinde na rin ni Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr. ang trabaho sa lahat ng opisina ng gobyerno sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong Lunes.
Suspendido rin ang trabaho sa lahat ng opisina ng gobyerno sa lalawigan ng Batangas.
Nauna nang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maaari pa ring magsuspinde ng klase ang mga lokal na pamahalaan kahit kasalukuyang online ang pag-aaral at maraming work-from-home. (CATHERINE CUETO)
184
